Nakikigalak sa Bayan ng Diyos
Awit 201
Nakikigalak sa Bayan ng Diyos
1. Sa gawang pang-Kaharian
Ang lahat pakiusapan:
‘Halina at pag-aralan
Katotohanan ng Kasulatan.’
Diyos nananawagan,
Kasawian ay iwasan.
Kay gandang kinabukasan,
Sa dakilang bagong daigdigan.
(Koro)
2. Narito! Banal na bayan,
Kay Jehova nakalaan.
Nakaalay bilang kawan,
Upang maghayag ng kaligtasan.
Diyos ay may paglingap
Kung paggawi’y nararapat,
Kay Jesus ay tumutulad;
Sa daan niya’y laging lumalakad.
(Koro)
3. Lupaing may kalayaan
Sa kaguluha’t alitan,
Masaya ang karamihan
Na sa Diyos tapat naglilingkuran.
Hapis ay pinawi.
Katotohana’y pinili,
Salita niya’y kinandili,
Sa pangalan niya’y lumuluwalhati.
(KORO)
Halina’t lumigaya!
Bansa niya’y kaisa,
Ang balita’y gawing hayagan.
Sa Diyos tayo’y yumukod.
B’ong pusong maglingkod.
Sa Kaharian ay manindigan.