Nakikinig sa Pabalita ni Judas
Awit 22
Nakikinig sa Pabalita ni Judas
(Judas 21)
1. Makabagbag damdamin,
Atin ngang alamin
Itong liham ni Judas,
Nang huwag madupilas.
Maganda ang kanyang payo
Upang tayo’y tumibay.
Pananampalataya’y buháy.
2. Babala ay malinaw,
Upang huwag maligaw.
Tayo’y makakaiwas
Tukso ni Satanas.
Nais niyang sumuko tayo,
At sa tusong paraan,
Ibig niyang tayo ay malinlang!
3. Tayo’y nirarahuyo
Ng tukso sa mundo.
Sa pagmamahal ng Diyos
Huwag na huwag hahagpos.
Payo ni Judas gamitin,
Nang maging laging gising!
Apostasya’y ating sugpuin.
4. Oo, tayo’y lumaban,
Nang may katatagan.
Awa at kabanalan,
Sana’y madagdagan.
Sa ating Diyos na Jehova,
At sa Pangino’ng Jesus,
Tayo ay gagalang nang lubos.