Ngalan ng Ama Natin
Awit 52
Ngalan ng Ama Natin
1. O Jehova, Ama namin,
Ngalan mo ay banalin.
Tutupdin ang iyong layunin,
Di muling hahamunin.
Pagdakila sa iyong ngalan,
Malapit nang dumatal.
Dakila ang karangalan,
Lahat nawa’y magtanghal.
(Koro)
2. Laging sinisikap naming
Ngalan mo ay banalin.
Buong giting nagsasabi
Tungkol sa iyong layunin.
Nananalig at magiting,
Laging gagalang kami
Sa ngalan mo, Ama namin;
Matapat ang paggawi.
(Koro)
3. O Panginoong Jehova,
Ang Kataas-taasan.
Wala nang bubuti kaysa
Purihin ang iyong ngalan.
Sa pangalan mo’y pupuri;
Mithi naming sabihin
Na ika’y Diyos ng layunin,
Laging pagpapalain.
(KORO)
Maylikha at Soberano
Ng buong sangnilalang,
Diyos ka nga na may layunin,
Walang makakahadlang.
Diyos na Makapangyarihan,
Ang Anak mo’y ’nilaan.
Gagawin ng Kaharian
Ang iyong kalooban.