Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ngayon na ang Panahon!

Ngayon na ang Panahon!

Awit 129

Ngayon na ang Panahon!

(Marcos 13:10)

1. Ngayon na ang panahon,

Pangangaral ay hamon.

Sa banta huwag umurong;

Sabihing Diyos lalong marunong.

Tao’y bigyan na ng babala,

Nang sa Babilonyang Dakila

Di maramay sa pagkapuksa.

Sikap patunayan sa madla.

Ngayo’y patunayan sa madla.

2. Ngayon na ang panahon,

Pag-ibig ay itugon,

Kapatira’y tulungan,

Maging datihan o baguhan.

Diyos buong puso paglingkuran;

Ibigin ang katotohanan,

Upang pagsang-ayo’y makamtan.

Dapat ay walang kapintasan.

Ngayo’y wala nang kapintasan.

3. Pangwakas na digmaan,

Tagumpay ng katwiran.

Pawi na ang karimlan;

Sisikat ang kaliwanagan.

Babangon, patay sa libingan,

Kay Kristo sila’y aaralan.

Ang Diyablo’y wala nang lubusan;

Diyos ang ating paniwalaan.

Ngayo’y Diyos ang paniwalaan.