Niluluwalhati ang Ating Ama, si Jehova
Awit 96
Niluluwalhati ang Ating Ama, si Jehova
1. Likha mo’y nag-aawitan
Sa iyong kaluwalhatian.
Lahat ito ay nilalang
Dahil sa iyong kalo’ban.
Sa palad mo nagmumula,
Sakdal na kabutihan.
Mga makahulang dula,
Ngayo’y may katuparan.
Noong isilang si Jesus,
Anghel ay nag-awitan.
Kay buti mo, O aming Diyos,
Laan mo’y katubusan!
2. Sa pagtupad ng iyong Anak
Sa maka-Diyos na atas,
Tagumpay niya’y nagpagalak,
At naglaan ng lunas.
Utos mo ay tinutupad
Ng Hari sa luklukan,
Sa lahat inilalahad,
Layunin mo’t pangalan;
Kami, bilang ang iyong bayan,
Sa tuwa’y nagsisigawan:
‘Ang Diyos ng kaliwanagan,
Luha ay papahirin!’
3. Di ba dapat kang purihin,
At laging paluguran?
Ialay ang buhay namin,
At ika’y paglingkuran?
Ngalan mo’y itataguyod,
Gawai’y tatapusin.
Huwag sanang manghihimagod;
Sikap ay paningasin.
Sa buong puso’t isipan
Kami’y maglilingkuran.
Ang dakilain iyong ngalan
Siya naming kapasiyahan.