Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pag-aasawa—Kaayusan ng Diyos

Pag-aasawa—Kaayusan ng Diyos

Awit 117

Pag-aasawa—Kaayusan ng Diyos

(Mateo 19:4-6)

1. Ang buhay may asawa,

Kaayusan ng Diyos.

Tali itong matibay,

Pagpapala’y lubos.

Ang babae’t lalaki

Ay pinagbubuklod,

At bilang mag-asawa

—Sa Diyos naglilingkod.

2. Laan ng Diyos ang Giya,

May payong mahusay.

Ang ulo ay lalaki,

Diyos ang siyang naglagay.

‘Ibigin ang asawa,

Sarili mong laman.’

Magalang na babae,

Hiyas na kumikinang.

3. Tali ay mas matibay

Kung ikid ay tatlo.

Kaunti ang suliranin,

Pag Diyos kasama n’yo.

Lalong lumiligaya

Pagka nagbibigay.

Maglingkod kay Jehova

Habang nabubuhay.