Pag-ibig—ang Sakdal na Buklod ng Pagkakaisa
Awit 173
Pag-ibig—ang Sakdal na Buklod ng Pagkakaisa
1. Pag-ibig ng marami ngayon
Lalong lumalamig.
Ingatan ang unang pag-ibig
At huwag padadaig.
Kung Diyos ay ating tutularan,
Ating itatanghal
Pag-ibig mismo ng ating Diyos,
Sa puso’y bumukal.
2. Wala itong pagkukunwari,
Sa puso’y maningas.
Dapat nga nating pagyamanin,
Huwag sanang kukupas.
Saklaw nito ay palawakin,
Lahat ay abutin.
Ibigin mo ang mahal ng Diyos,
Sila’y patibayin.
3. Sanlibutan ay malalansag,
Tayo’y magkaisa.
Buklod na sa ati’y pamigkis
Ay higpitan sana.
Magiliw na pagtitinginan,
Lubhang kailangan.
Matalik tayong magsasama,
Hanggang katapusan.
4. Mabuting kaugnayan sa Diyos
Ay mayroong ganti.
Kapwa mo ay dapat ibiging
Tulad sa sarili.
Gawing taos at mataimtim,
Lubos na matimyas.
Ngayo’y isang sakdal na buklod,
Pag-ibig na wagas.