Pag-ingatan ang Iyong Puso
Awit 132
Pag-ingatan ang Iyong Puso
1. Puso ninyo’y pag-ingatan,
Nang buhay makamtan.
Payo ng Diyos ay tanggapin
At laging tandaan
Na ang ating mga gawi
Sa puso nagbuhat.
Kaya’t ingatan ang isip,
Na siyang nararapat.
2. Mabisang tulong sa puso
Ang pananalangin.
Magpasalamat, magpuri,
Sa kanya’y dumaing.
Pag-aaral ng Salita
Ay tumutulong din;
At ang kapatiran natin
Laging kasamahin.
3. Isipa’y laging ipako
Sa bagay na matwid,
Kapuri-puri’t dalisay,
At kaibig-ibig.
At kung ito ang susundin,
Kayo’y magtataglay
Pusong payapa’t pag-asa
Ng tunay na buhay.