Paggawi Bilang Isang “Nakabababa”
Awit 122
Paggawi Bilang Isang “Nakabababa”
1. Pinagpala ang sa ngayo’y
Nakikinig sa turo.
Gawain ng lingkod ng Diyos,
Sagana ang pagtubo.
Palibhasa kasalanan
Sa ati’y nagpupuno,
Tayo’y magpapakumbaba,
At sa Diyos ay susuko.
2. ‘Maging mapagpakumbaba,’
Payo ni Jesu-Kristo.
Dulot ay pagkakaisa,
At nakakarahuyo.
Siya’y nagsilbi na uliran.
Tunay niyang kagalakan
Ang magpasakop siya sa Diyos,
Sa kanya maglingkuran.
3. Unahin mo ang kapatid;
Bigyan siyang karangalan.
Si Kristo nga ay namatay
Ukol sa kapatiran.
Bawa’t isa’y may kaloob;
Diyos kanilang may-ari.
Kaya’t tayo’y maging timbang;
Mababa ang paggawi.
4. Prinsipyo ng pagkaulo,
Tulong sa pagkilala
Na sarili’y huwag unahin,
Magmahalan sa tuwina.
Espiritu ang gagabay,
Nang walang katisuran.
Ugnayan sa Diyos ay tulong
Sa kapakumbabaan.