Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagiging Marapat sa Aming Pangalan

Pagiging Marapat sa Aming Pangalan

Awit 34

Pagiging Marapat sa Aming Pangalan

(Isaias 43:10-12)

1. Diyos na Jehova, kataas-taasan,

Sakdal pag-ibig at katarungan,

Diyos ka ng katotohanan at dunong,

Ang Soberano sa kalangitan.

Laksa-laksang anghel may kagalakan;

Pinupuri ka ng sangnilalang.

Mga Kristiyanong saksi aming ngalan;

Maging marapat sa aming ngalan!

2. Kami’y tulungan, O Diyos na Jehova,

Ngala’y purihi’t tupa’y busugin,

Yapak ni Kristo’y aming tutularan,

Utos mo’y aming laging susundin.

Mag-iingat kami sa aming asal,

Di magdudulot ng kahihiyan.

Maging saksi’y dakilang pribilehiyo;

Maging marapat sa aming ngalan!

3. At sa patuloy na paglilingkuran,

Magkakasama’t nagkakaisa,

Sa araw-araw ay masisiyahan;

Ang puso nami’y tigib sa tuwa.

Kami’y marapat nawa sa pangalan,

At magpahayag ng iyong Salita;

Lalo’t higit, dulot nami’y ligaya

Sa puso mo, O Diyos na Jehova!