Pagkilala sa Bagong Hari ng Lupa
Awit 168
Pagkilala sa Bagong Hari ng Lupa
1. Masdan sa lawak ng lupa
Ang tanawing kay inam
—Hukbong mandirigma ng Diyos,
Handa na sa paglaban.
Turbante ay nagniningning,
Kamangmanga’y dadaigin.
Sigaw nila’y mataginting:
“Si Kristo’y naghahari!”
(Koro)
2. Ang Hari ang nangunguna;
At siyang tinutularan.
Ang utos niya’y tinutupad,
At walang kalungkutan.
Tabak ang Salita ng Diyos.
Paa’y ginamit nang lubos.
Sinusundan ay si Jesus;
Kahit sa kamatayan.
(Koro)
3. Ang panahon ay dumating,
Si Kristo’y naghahari.
Kaaway niya’y pupuksain;
Wala siyang itatangi.
Bisig ng Diyos ay huhubdan.
Tambuli niya ay hihipan.
Pinuno ay huwag humadlang;
Kay Kristo ay bumati.
(KORO)
Ang Anak ng Diyos ay hagkan,
Upang di ka mapuksa.
Maligaya ang sa kanya’y
Tumitiwala!