Pagpalain ang Aming Pagtitipong Sama-sama
Awit 28
Pagpalain ang Aming Pagtitipong Sama-sama
1. Kami po ay pagpalain,
Aming Diyos na Jehova.
Salamat sa pagtitipon;
Basbasan mo po sana.
2. Busugin mo kami, O Diyos,
Sa iyong dulang na banal.
Pag-ibig sa aming puso’t
Isip inyong ikintal.
3. At sa aming pagtitipon,
Tunguhi’y kabanalan.
At higit kang makilala;
May kapakumbabaan.
4. Pulong nami’y pagpalain
Nang kami’y magkaisa.
Amin kang dadakilain,
Soberanong Jehova.