Pagpapahalaga sa mga Paalaala ng Diyos
Awit 59
Pagpapahalaga sa mga Paalaala ng Diyos
(Awit 119)
1. Ang masunurin ay maligaya,
Siyang humahanap sa kanya;
Tatalima sa Diyos kapagdaka,
Di lalayo sa utos niya.
Tagubilin niya’y mahal nila,
At pag-ibig niya’y ’binabadya.
Sa utos niya sila’y nagpapakita
Na may pagpapahalaga.
2. Dakila ang kanyang kabaitan;
Lampas pa sa kalangitan!
Sa batas niya tayo’y iingatan,
Kathang kasinungalingan.
Ang tumatalima’y payapa;
Di lilipas ang pagpapala.
Gaya ng tao na may gantimpala,
Kagalaka’y sasagana.
3. Dinggin sana ang pagsusumamo,
Salita niya’y unawain.
Dinggin sanang ating panalangin,
Tayo’y kanyang kukupkupin.
Puso nati’y magmatapatin,
Salita niya’y ating tutupdin.
Puspos ng katapatan si Jehova;
Nagpapatibay sa atin.