Pagpapakita ng Katapatan
Awit 38
Pagpapakita ng Katapatan
1. Si Jehova ay may bayang
Taglay ang ngalang banal.
Matapat na kongregasyon
Alay sa kanyang dangal.
Sa kanyang saganang dulang
Ay mayro’ng kasiyahan,
Upang siya’y mapaluguran
Sa gawai’t sa isipan.
2. Tayo ay sa kongregasyon
Ng Diyos magpakatapat,
Ating laging tangkilikin
Kahit sa paghihirap.
Di natin pababayaan,
Kapatid ay tulungan;
Kung iyo’y pinagbabantaan,
Agad-agad babalaan.
3. Kapatid ay tutulungan,
Ang mahina’t baguhan,
Sa kanilang pag-aaral
At sa paglilingkuran.
Di tayo mag-iinggitan
Gaya sa sambahayan,
Sa halip sa kapatira’y
Iiral ang katapatan.
4. Mundo’y walang katapatan,
Di ito gagayahin.
Atin laging tatahakin
Ang Kristiyanong landasin.
Satanas pabulaanan,
Sa Diyos ay tumalima.
Ang tapat pagpapalain
Dulot sa Diyos ay ligaya.