Pagpapalain Ka ng mga Tapat sa Iyo
Awit 223
Pagpapalain Ka ng mga Tapat sa Iyo
1. Pagpapalain ka nila,
Jehovang Diyos at Hari.
Dakila mong mga gawa
Ay maluluwalhati.
Dakila’t mataas,
At kapuri-puri ka,
Isip mo’y kay taas,
Gawa mo’y kamangha-mangha.
Aawit ang tapat sa iyo;
Puso ay umaapaw.
Sa tao ay ipaalam
Gawa mo araw-araw.
2. May piling lahi nga ang Diyos,
Upang siya ay purihin.
Nandito na ang lahing iyon,
Sa Diyos ay masunurin.
Ang aliping tapat,
Sa tupa ay alalay.
Sa kanilang landas,
Pastol nila’y siyang gagabay.
Mga tapat nagbubunyi,
Pangalan mo’y purihin.
Sigla nila’y bumubukal,
Ikaw ay dakilain.
3. Kay buti ni Jehovang Diyos;
Huwag pag-alinlanganan.
Ang tao ay ililigtas
Si Kristo ang siyang daan.
Sa galit makupad;
Ito’y atin nang alam.
Salamat sa kanya,
Siya sa atin ay tatahan!
Kung tayo ay nadarapa,
Tayo ay ibabangon.
Kabutihan niya’y itanyag;
Gawing buong maghapon.