Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagsunod sa Diyos Bago sa Tao

Pagsunod sa Diyos Bago sa Tao

Awit 2

Pagsunod sa Diyos Bago sa Tao

(Gawa 5:29)

1. Lahat ginagawa natin

Nang Diyos ay palugdan;

Kakatwa daw tayo pagka’t

Sanlibuta’y ’niwan.

Di natin ’to alumana,

Diyos ang sundin muna.

Buhay natin, bawa’t kilos,

Inalay sa kanya.

2. Kay “Cesar” ating ibigay

Ang karapat-dapat.

Kahilingan ito ng Diyos

Tanda na siya’y tapat.

Pagka’t tayo ay binili,

Di na tayo atin,

Ang payo niya’y isapuso

Diyos muna’y unahin.

3. Sa pagpuri kay Jehova,

Tahimik ang buhay.

At sa kanyang daang matwid

Huwag tayong sisinsay.

Iukol sa Diyos ang Kanya,

At sa Teokrasya.

Huwag masindak sa pagsaksi,

Kanyang Soberanya.

4. Ang ating pagsambang banal,

Dapat na unahin.

Sa pagdinig ng Salita,

Iba’y uhaw pa rin.

May tao mang makialam,

Tayo’y manindigan.

Sundin muna si Jehova;

Di tayo iiwan!