Pagtangkilik sa Bahay ng Diyos
Awit 118
Pagtangkilik sa Bahay ng Diyos
1. Mga kasambahay ng Diyos natin
May dakong dapat asikasuhin,
Ang bahay niya na pinagpasiyahan
Na doon ngalan niya’y mananahan.
Tulad ni Nehemias iningatan
Pagsamba sa bahay dalanginan.
Parangalan natin ng ikasampu,
Tanda ng pag-ibig na buong puso.
(Koro)
2. Sambahayan niya’y nagkakaisa,
Tahanang kanyang kinakalinga.
Katiwala niya’y tapat magsilbi,
Kapayapaa’y namamayani.
Sa bahay ng Diyos ay ating dalhin
Unang bunga’t mga mamahalin.
Kanyang pagpapala’y ubod sagana,
Paglilingkod nati’y pinaligaya.
(KORO)
Bahay ng Diyos tangkilikin,
‘Doon siya’y dapat sambahin.’
Ito’y kanyang sambahayan;
Doroon siya magpakailanman.