Pasalamat sa Pagkamatiisin ng Diyos
Awit 81
Pasalamat sa Pagkamatiisin ng Diyos
1. Jehovang Diyos na dakila,
Kay ganda ng iyong gawa.
Sa buong langit at lupa,
Patotoo’y ang nilikha.
Sa ganda’y may kagalakan
Sa may ibig sa katwiran.
Higit pa ang kagandahan,
Tagumpay ng iyong Kaharian.
2. Sigasig mo sa katwiran,
Tatapos sa kasamaan;
Nguni’t upang may maligtas,
Pinigilan mo ang wakas.
Ang may taglay ng iyong ngalan,
May awit ng kapurihan.
Aming kinasasabikan,
Tagumpay ng iyong Kaharian.
3. Pagkamatiisin mo, Diyos,
Pahahalagahang lubos.
Katangian mo’y ihayag,
Sa Salita mo ay tanyag.
Daan mo ay liwanagin
Nang kaligtasa’y tamuhin,
At masdan ang kagandahan,
Tagumpay ng iyong Kaharian.