“Pasanin ang Aking Pamatok”
Awit 224
“Pasanin ang Aking Pamatok”
1. O kayong nagpapagal,
Waring di makatagal,
Si Jesus nagmamahal,
Sa kanya ay mag-aral.
2. ‘Ako’y may kaamuan,
Di tagasanlibutan.
Pag-ibig pag-aralan,
Nang poot maiwasan.’
3. ‘Pamatok ko’y magaan,
Di mahirap ang pasan.
At may kapanatagan
Ang pusong may katwiran.’
4. Kay Kristo’y maging tapat.
Siya’y patnubay sa lahat.
Siya’y ating kabalikat
Sa pasang nararapat.