Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pasikatin ang Liwanag

Pasikatin ang Liwanag

Awit 63

Pasikatin ang Liwanag

(Mateo 5:16)

1. Diyos ngayo’y nag-utos

Na lumiwanag;

Sa dilim pumawi

Ang kanyang sinag.

Sa banal niyang templo,

Tulad ng kidlat,

Liwanag na patnubay

Ay sumisikat.

2. Mabuting balita’y

Ating isaysay;

Dulot sa may hapis,

Pag-asang tunay.

Lakas na mangaral

Sa Diyos nagbuhat.

Atas niya sa atin ay

Isiniwalat.

3. Diyos ang katulong sa

Paglilingkuran;

Walang kapintasan,

Ni kasiraan.

Pinagpalang bayan,

May kagalakang

Magbigay karangalan

Sa kanyang ngalan.