Pinagagalak ang Puso ni Jehova
Awit 51
Pinagagalak ang Puso ni Jehova
1. O Diyos, ikaw ay susundin;
Gawain mo’y gaganapin.
Magiging bahagi namin,
Puso mo ay pagalakin.
2. Sa panig mo ay lalagi;
Diyablo’y hindi magwawagi.
Utos mo’y sakdal ang uri,
Tupdin ang siya naming mithi.
3. Maingat na alipin mo,
Turo sa ami’y saklolo;
Naglalaan ng panustos,
Upang lakas ay malubos.
4. Kami’y bigyan mo ng lakas,
Nang di kami madupilas,
At nang magbungang totoo,
Kagalakan sa puso mo.