Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pinagbubuti ang Pangalan sa Diyos

Pinagbubuti ang Pangalan sa Diyos

Awit 37

Pinagbubuti ang Pangalan sa Diyos

(Eclesiastes 7:1)

1. Diyos paluguran

Ang siya nating mithi.

Ang magalak siya

Ay ating lunggati.

Mabuting pangalan,

Sa Diyos ating kamtan,

Ingatan natin,

Dapat naman.

2. Mabuting ngalan

Sa salita’t gawa.

May pagsisikap,

Sa puso’y adhika.

Kung Diyos ay pakinggan,

Ngalan mo’y uliran,

Mga biyaya’y

Makakamtan.

3. Mabuting ngalan

Pag sa Diyos tumingin.

Habang may buhay,

Siya nating linangin.

Kung Salita’y tupdin

At siya ay sambahin,

Tayo ay kanyang

Mamahalin.

4. Sa araw-araw

Sikaping gumawa

Kay Jehovang Diyos

Ng ngalang maganda.

Nawa’y maging pantas

Sa tunay na landas,

At mangaral nang

Buong lakas.