Pinagpapala si Jehova ng Tapat na mga Mananamba
Awit 136
Pinagpapala si Jehova ng Tapat na mga Mananamba
1. Nawa’y pagpalain, Diyos, ika’y purihin;
At iyong paratingin, kasaganaan.
Sa iyo’y kapurihan; matwid ang iyong daan.
Kami’y maglilingkuran sa katapatan.
2. Puri sa iyo’y dapat—maraming salamat—
Kami’y mag-iingat ng kalinisan.
Bigyan mo ng dunong kung pa’nong susulong,
Nang kami’y di umurong sa katapatan.
3. Ituro sa amin banal mong layunin,
Na iyong tutuparin nang matagumpay.
Lahat ay tulungan, nang walang masaktan.
Ika’y dadalanginan nang walang humpay.
4. O Diyos, Ama namin, takot ay alisin;
Aming sasambitin ang iyong pangalan.
Nawa’y pumayapa, habang ’binabadya
Sa palibot ng lupa, iyong kabantugan.