Pinapagtatagumpay ang Ating Daan
Awit 40
Pinapagtatagumpay ang Ating Daan
1. Sinabi ng Diyos kay Josue:
‘Ang utos ko’y sundin.
Basahing may pagbubulay
At pakatuparin.
Sa labi huwag ihiwalay,
Ito’y iyong patnubay.
Nang ikaw ay magtagumpay,
Sa puso mo’y gabay.
Nang ikaw ay magtagumpay,
Sa puso mo’y gabay.’
2. Diyos nag-utos sa Israel,
Sa mga naghari:
‘Utos, sa sariling kamay
Gagawa ng sipi,
Babasahin habang buhay
Nang huwag magmalaki.’
Lupa niya’y pagpapalain;
Araw niya’y darami.
Lupa niya’y pagpapalain;
Araw niya’y darami.
3. Sa Bibliya’y matatagpuan
Patnubay sa buhay.
Pagka tayo’y nasisinsay,
Diyos sa ’ti’y aakay.
Isip niya’y mauunawa;
Ating bubulayin.
Pag Diyos sa ati’y sumanay,
Utos niya’y susundin.
Pag Diyos sa ati’y sumanay,
Utos niya’y susundin.