Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pinasusulong ang Bunga ng Pag-ibig

Pinasusulong ang Bunga ng Pag-ibig

Awit 86

Pinasusulong ang Bunga ng Pag-ibig

(1 Corinto 13:8)

1. Si Jehova ay nagkaloob

Sa matapat na naglilingkod

Ng kaloob na kailangan,

Upang siya’y ating paglingkuran.

Ang bunga ng espiritu;

Pag-ibig ang tampok nito.

Nililinang nilang tunay,

—Pag-ibig walang kapantay.

2. Lahat ng ating katangian

Sa ministeryo’y nililinang;

Tampok na bungang pag-ibig,

Dinadalisay, dinidilig.

Hindi sapat ang isipan

Sa pag-alaga sa kawan;

Buong puso ay ibigay,

Nang sila’y maakay sa buhay.

3. At sa ating paglilingkuran,

Ingatan ang kapayapaan.

Ang hirap ay pagtiyagaan;

Mahina’y tulungang magpasan.

At sa maliit rin mang bagay,

Damhin kagalakang tunay.

Pag-ibig ay pasakdalin

Na katulad ng Diyos natin.