Pumuri Kita kay Jah!
Awit 165
Pumuri Kita kay Jah!
1. Papurihan si Jehova.
Lahat kayong may buhay, hininga.
Maghapon ay parangalan,
Ilathala ang kadakilaan.
Oo, ang kanyang kadakilaan.
2. Papurihan si Jehova.
May kabaita’t mahinahon siya.
Dakila at mahabagin;
Kagalakan ang yao’y banggitin.
Oo, galak ang yao’y banggitin.
3. Papurihan si Jehova.
Lahat ng sa kanya’y umaasa.
Alalay siya sa lupaypay.
Di ba dapat sa lahat isaysay?
Oo, kabutihan niya’y isaysay.
4. Papurihan si Jehova.
Sa atin ay may pagsaklolo siya.
Ang balakyot pupuksain,
Nguni’t matwid kanyang sasagipin.
Oo, matwid kanyang sasagipin.