Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Purihin si Jehova, O Kaluluwa Ko”

“Purihin si Jehova, O Kaluluwa Ko”

Awit 1

“Purihin si Jehova, O Kaluluwa Ko”

(Awit 103)

1. Kay Jehova magpapala

—Sa ngalan niya labi’y pupuri—

Pagka’t siya’y mapagpatawad,

Pinaparam pagkaduhagi.

Mahinahon at mahabagin,

Kanyang mga katangian.

Ang sa kanya’y natatakot,

Lalasap ng kabutihan.

2. Ang Diyos natin ay may awa,

Kanyang batid tayo’y alabok.

Gaya ng lirio sa parang,

Tayo’y malalantang talulot.

Nguni’t ang kay Jehovang awa,

Sa lahat ng masunurin.

Katwiran niya’y pampatibay,

Kung utos niya’y tutuparin.

3. Nagtatag si Jehovang Diyos,

Ng trono niya sa kalangitan.

Sa lahat siya’y naghahari;

Kapangyariha’y walang hanggan.

Purihin ninyo si Jehova,

O mga anghel, hukbo niya.

Purihin mo si Jehova;

Ang Diyos, O aking kalul’wa.