Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Purihin si Jehovang Ating Diyos!

Purihin si Jehovang Ating Diyos!

Awit 100

Purihin si Jehovang Ating Diyos!

(Jeremias 33:11)

1. Purihin si Jehovang Diyos!

Kadakilaa’y ihayag!

Humiyaw! At mag-awitan!

Kanya ang lupa’t kalangitan.

Nilalang niya’y hayag at di hayag.

Badya’y lakas at pag-ibig.

Ang katwiran niya’y sumasagana;

Tulad ng kanyang sigasig!

Purihin si Jehovang Diyos!

Kadakilaan ay ihayag!

2. Purihin si Jehovang Diyos!

Kabutihan niya’y ihayag!

Sumigaw! O kay buti niya!

Kabaita’y ubod nang ganda.

Kasindak-sindak man sa digmaan,

Sa maamo malumanay.

Ililigtas niya ang sasakanya.

Kabutihan niya ay tunay.

Purihin si Jehovang Diyos!

Kabutihan niya ay ihayag!

3. Purihin si Jehovang Diyos!

Kaharian niya’y ihayag!

Ibansag! Ang karangalan!

Bawa’t sulok ng kalupaan!

Naririto na! Si Kristo’y Hari.

Kay Jehova’y kapurihan.

Aawitin natin ang tagumpay,

Sa Diyos ating katapatan.

Purihin si Jehovang Diyos!

Kaharian niya ay ihayag!