Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Sa Bahay-bahay”

“Sa Bahay-bahay”

Awit 32

“Sa Bahay-bahay”

(Gawa 20:20)

1. Bahay-bahay, bayan-bayan,

Mabuting balita

Laging ipinangangaral

Ng matanda’t bata.

Ang tupa’y pinakakain

Saanman sa lupa,

Pagka’t Kaharian ng Diyos

Ay namamahala.

2. Bahay-bahay, nayon-nayon,

Ating ipangaral

Kaligtasa’y sa tatawag

Sa ngalan niyang banal.

Papa’no nga ang pagtawag

Sa hindi kilala?

Sa bahay-bahay itanyag

Ngalan ni Jehova.

3. Sabihin pa, hindi lahat

Ay mangakikinig;

May tututol, mag-uusig,

Pinto’y ipipinid.

Katulad din nang panahon

Ng Pangino’ng Jesus.

Nguni’t ang tupa’y tutugon

At aasang lubos.

4. Kaya’t sa bawa’t pintuan

Kaharia’y ’balita.

Kung sinong tupa o kambing,

Tao’y magpapasiya.

Basta’t ating ihahayag

Ngalan ni Jehova.

Paglapit natin sa pinto,

Kaypala’y may tupa.