Sa Diyos Tayo’y Naaalay!
Awit 202
Sa Diyos Tayo’y Naaalay!
1. Tayo’y kay Jesus inakay ni Jehova.
Katotohana’y sumilang na.
Buhat sa kalangitan,
Ilaw niya’y kumikinang.
Ang tiwala’y dagdagan,
At sarili ay talikdan.
Sa Diyos tayo ay nag-alay. Ating pasiya.
Ito’y kagalakan talaga.
2. Sinasanay ang lahat ng nagpapasiya;
Ministro ng Diyos, hinirang niya.
Nag-aawitan sila,
Kaharian ang paksa,
Laging nagkakaisa,
Ang Diyos ang may-ari nila.
Bautismo sa tubig ay tanda ng sumpa
Kaharia’y ibinabalita.
3. Sa ’ting pag-aalay tayo’y bigyan nawa
Budhi na mabuti’t payapa.
Galak walang kapara,
Tayo’y pinagpapala
—Ngalan niya’y dinadala.
Sa panalangi’y matiyaga.
Sa Diyos tayo ay mag-alay; maging pantas,
Ugnayan sa Diyos nawa’y wagas.