Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Salubungin ang Dumarating na Hari!

Salubungin ang Dumarating na Hari!

Awit 176

Salubungin ang Dumarating na Hari!

(Awit 24:7)

1. Oras na upang marangyang salubungin

Ang ating Diyos na Kataas-taasan.

Siya at Anak niya, bansa ay pinipisan,

Langit umaalingawngaw sa tunog ng digmaan.

‘Ulo’y itaas’ dahil sa kagalakan;

Dakilang Hari, tagumpay kakamtin.

Ngayo’y panahon nang ang Diyos na Jehova

Milenyo ni Kristo pararatingin.

Lakas niya’y itatanghal ng Kaharian,

Ang pagsakop sa lupa muli niyang gagawin.

2. Diyos na Jehova, Dakilang Soberano,

Nagbangon ng Kahariang walang hanggan.

Nararapat siyang taos-pusong batiin;

Ating sabihin sa Hari siya ay pinapanigan.

Kayo’y matanghal, mga pintuang bayan!

May mabuting balitang aawitin:

‘Matibay si Jehova sa pagbabaka.’

Dinggin natin lagi at salubungin,

Pagka’t ang pagpapala ay darating na.

“Tinatanggap ka namin!” sa Hari’y sabihin.