Sangnilalang, Purihin si Jehova!
Awit 5
Sangnilalang, Purihin si Jehova!
(Awit 148)
1. Pagpalain si Jehova
Ng buong sangnilalang.
Mga anghel, gabi’t araw,
Diyos pinapapurihan.
2. Araw, buwan, bitwin sa langit,
Sa Diyos ay kapurihan.
Utos niya’y tinatalima;
Lalaging walang hanggan.
3. Sa lupa may pumupuri
Na mga ibang tupa.
Naglilingkod kay Jehova
Sa mga looban niya.
4. Karamiha’y umaagos
Tungo sa kanyang templo.
Sa kanya’y naglilingkuran.
Siya ang Diyos na totoo.