Si Jehova, “Diyos ng Buong Kaaliwan”
Awit 58
Si Jehova, “Diyos ng Buong Kaaliwan”
1. Ang Diyos may kaaliwang bigay;
Nagmamahal sa atin.
Aliwin din natin ang iba,
Si Kristo ay gayahin.
2. Palasak na ang pagdurusa;
Dito tayo’y kasama.
May aliw mula kay Jehova,
Pagka’t tayo’y saksi niya.
3. Ang kaaliwa’y buhat sa Diyos;
Ito’y nakagigiliw.
Tayo’y kanyang kakalingain
Kung di tayo magmaliw.
4. May lakas at kapanatagan,
Hirap ma’y mamayani.
Turo sa ’tin ng Haring Jesus:
Diyos ay di nagtatangi.