Si Jehova, Tagapaglaan ng Tatakasan
Awit 74
Si Jehova, Tagapaglaan ng Tatakasan
1. Sa araw natin ang hula’y natutupad.
Diyablo’y inihagis; lupa’t dagat aba.
Iniluklok na, Kristong Hari natin.
Awitin: “Jah ang tatakasan.”
(Koro)
2. Sa araw-araw tayo ay ginigipit;
Ang espiritu ng sanlibuta’y tukso.
Mag-ingat, gawi’t isip walang pintas,
At wagas, upang makatakas.
(Koro)
3. Ang Diyablo’y dudurugin ni Kristo Jesus,
Lungkot, luha’t hapdi, kamataya’y pawi.
Pag lupa at langit ay babaguhin,
Alamin, Jah ang tatakasan.
(KORO)
Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas.
Talos ng kaaway,
Siya’y Moog na matibay.
Magmagiting, mga lingkod niya,
Papurihan si Jehova,
Naglalaan ng kaligtasan.