Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Si Jehova ang Aking Pastol”

“Si Jehova ang Aking Pastol”

Awit 77

“Si Jehova ang Aking Pastol”

(Awit 23)

1. Aking Pastol si Jehova,

Bakit pa matatakot?

Siyang sa tupa ay kumukupkop;

Wala siyang nalilimot.

Ako’y sa batis inakay,

Kalul’wa ko’y binuhay.

Dahil sa kaniyang pangalan,

Hakbang ko’y may patnubay.

Dahil sa kaniyang pangalan,

Hakbang ko’y may patnubay.

2. At sa libis ng karimlan,

Ako’y di masasaktan,

Dakilang Pastol ay kapiling;

Tungkod niya’y laging tangan.

Ulo ko’y pinapahiran;

Saro ko’y sinisidlan.

Sa bahay niya ako’y tatahan,

Magpakailan pa man.

Sa bahay niya ako’y tatahan,

Magpakailan pa man.

3. Pastol ko ay maibigin!

Papuri’y aawitin.

Pag-aalaga niyang magiliw

Sa tupa’y sasabihin.

Utos niya’y tatalimahin,

Daan niya ay susundin.

Ang yaman ko siya’y paglingkuran;

Araw-araw gagawin.

Ang yaman ko siya’y paglingkuran;

Araw-araw gagawin.