Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Si Jehova, ang Ating Maylikha

Si Jehova, ang Ating Maylikha

Awit 154

Si Jehova, ang Ating Maylikha

(Isaias 42:5)

1. Pagkalalang ng Diyos sa lupa’y kay ganda.

Sa tao’y bigay upang tahanan niya.

Laksa-laksang anghel sumigaw sa tuwa

Nang kanyang matapos; kahanga-hanga.

2. Ang ating lupa’y magiging paraiso.

Sadyang nilayon ni Jehova ito.

Paghihimagsik, ang bunga’y kasalanan.

Tayo’y magalak, ito’y wawakasan.

3. Lahat ay lulunasan ng Kaharian.

Hinihintay nating may kasabikan.

May kagalakan tayong magbabalita,

Upang sa dilim tao’y makalaya.

4. Ating mata kay Jehova nakatingin,

Siya’y Maylikha natin, wastong purihin.

Ang nilalang niya’y yari sa karunungan!

Siya’y paglingkuran b’ong puso’t isipan.