Si Jehova, ang Ating Tibay at Kalakasan
Awit 47
Si Jehova, ang Ating Tibay at Kalakasan
1. O Diyos na Jehovang aming lakas,
Ikaw ang aming Tagapagligtas.
Kami’y mga saksing nagbabansag,
Pakinggan dili ang paghahayag.
(Koro)
2. Hanap namin ang kapayapaan;
Dating bulag naliliwanagan.
Sinisiyasat ang Kasulatan;
Panig kami sa iyo’ng walang hanggan.
(Koro)
3. Aming ginaganap ang nais mo,
Kahit na sumalansang ang Diyablo.
Buhay ma’y paslangin, tulungan mo,
Laging saksing tapat at totoo.
(KORO)
Jehova ikaw ang aming moog,
Ngalan mo’y aming ’binabantog.
O Jehovang makapangyarihan,
Ikaw ang kanlungan at bantayan.