Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Si Jehova, ang Diyos ng Ating Kaligtasan

Si Jehova, ang Diyos ng Ating Kaligtasan

Awit 153

Si Jehova, ang Diyos ng Ating Kaligtasan

(Awit 85:7)

1. Jehovang Diyos sa kalangitan,

Kasalanan namin ay iyong takpan.

Pagka’t mula sa paglilihi

Kamalian ang siyang namayani.

Sana’y tulungan ng iyong kamay,

At sa amin ay pumatnubay.

Sa lingap mo kami ay dalhin;

Kaligtasan, aming aawitin.

Kaligtasan, aming aawitin.

2. Nabubuklod sa iyong kulungan,

Bilang tulad-tupang hinulaan.

Kaligtasan ay makakamit

Ng sangkatauhang nawawaglit.

Kapayapaan mo’y natanto

Ng tunay na maamong puso.

Kay dunong ang sa iyo’y may takot;

Kaligtasan ang iyong idudulot.

Kaligtasan ang iyong idudulot.

3. Ang kabutihan mo’y lalago!

Isisigaw namin sa b’ong mundo.

Kay ganda nga ng nakikita,

Pagka’t Anak mo’y naghahari na.

Oras ngayon ng Kaharian,

Sumisibol kapayapaan.

Ihahayag sa buong lupa.

Ang pagliligtas mo na dakila.

Ang pagliligtas mo na dakila.