Sulong sa Unahan!
Awit 123
Sulong sa Unahan!
1. Sulong na tungo sa pagkamaygulang!
Kalooban ng Diyos tayo’y may kakayahan.
Pag ministeryo mo’y nasa unahan,
Gawa mo ay babasbasan.
Lahat may dako sa paglilingkod;
Ito’y gawin, kay Jesus sumunod.
Tumiwala sa Diyos, huwag manghimagod.
Manindigan sa katwiran.
2. Sulong sa unahan, magpatotoo!
Balitaan natin lahat ng mga tao.
Ating Diyos, si Jehova’y purihin mo;
Ihayag sa bahay-bahay.
Ang balakyot ma’y manakot sa iyo,
Huwag manlupaypay, magpatotoo.
Kaharian ng Diyos ay napipinto.
Hayagan nating isaysay.
3. Sulong sa unahan, laging magtiyaga;
Sining pasulungin, sa gawa mag-apura!
Ang espiritu niya dulot ay sigla
At tunay na kagalakan.
Ibigin ang mga kapatiran;
Sa mga pulong sila’y samahan.
Sa pagsulong sila’y inyong tulungan,
Liwanag lalong sisilang.