Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tayo ba’y Kanino?

Tayo ba’y Kanino?

Awit 207

Tayo ba’y Kanino?

(1 Corinto 6:20)

1. Ikaw ba’y kanino?

Sino ba ang Diyos mo?

Kung sinong niyuyukuran

Ang siyang pinaglilingkuran.

Kung dalawa ang diyos

Ika’y salawahan;

Ang katapatan paghahatian,

Kapwa’y di masisiyahan.

2. Ikaw ba’y kanino?

Sinong iyong susundin?

Isa ay huwad, isa’y tunay,

Pumili ka’t huwag maghintay.

Kay Cesar ba ukol

Ang iyong katapatan?

O Diyos susundin at tutuparin

Ang kanyang kalooban?

3. Ako ba’y kanino?

Jehova’y susundin.

Siya’y Diyos na paglilingkuran;

Panata’y di tatalikdan.

Ako ay binili;

Sa Diyos maglilingkod.

Hain ni Jesus sa ’ki’y tumubos;

Ako’y di tatalikod.

4. Lahat tayo’y sa Diyos!

Walang alinlangan.

Pagkakaisang inihula

Atin ngayong nadarama.

Tulad sa langis ng

Saserdoteng hirang,

O kay buti ng pagsasamahan;

Tayo’y magpatibayan.