Tayo’y mga Saksi ni Jehova!
Awit 113
Tayo’y mga Saksi ni Jehova!
1. Diyos nila’y kahoy, bato,
Di tunay na diyos ito.
Ang Kata’staasan,
Siya ang totoo.
Di nila mahulaan
Ating kinabukasan.
Mga saksi nila’y bulaan,
Sila’y walang katibayan.
(Koro)
2. Sabi ng Diyos na buháy,
‘Kayo’y saksi kong tunay.
Ako si Jehova,
Huwag manlupaypay.
Aking pinatunayan
Huwad ang mga diyus-diyusan.
Ipakilala ang ngalan ko,
Bilang saksi kong totoo.’
(Koro)
3. Ating Diyos natatanghal
Kung tayo’y nangangaral.
At binabalaan,
Mga di banal.
Tao’y kahahabagan,
Pag Diyos ang binalingan.
Kung pangangaral ay pakinggan,
May buhay na walang hanggan.
(KORO)
O Saksi ni Jehova,
Laging magmagiting ka.
Diyos nati’y laging nagtatapat;
Hula niya’y natutupad.