Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tinutugon ang Pag-ibig ng Diyos

Tinutugon ang Pag-ibig ng Diyos

Awit 50

Tinutugon ang Pag-ibig ng Diyos

(1 Juan 4:11)

1. Diyos, wala kang kapantay; mahal ka naming tunay,

Jehova, dapat papurihan.

Ngalan mo’y dinakila, nagbibigay biyaya ang

Salita mong natutuhan.

Ika’y nagpapakita, kaamuan at awa;

Lakas at dunong mo ay lubos.

Kami ay nakatitiyak, kung puso ay busilak,

Ang pagpapala’y mabubuhos.

2. Ika’y umibig muna; kaya nagaganyak na

Ikaw nama’y ibigin namin.

Ngalan mo’y binanal at pag-ibig ’tinanghal, nang ang

Buhay ni Jesus ihain.

Wala nang hihigit na pag-ibig na dakila;

Handog ang buhay na taglay niya.

Nang di kami lipulin, patnubay niya’y hanapin;

Sa payo niya’y nagtitiwala.

3. Paglilingkuran natin di kayang patigilin

Ng sanlibutang nanonood.

Sa kusang paglilingkod, hindi nanghihimagod,

Pag-ibig na hindi masayod.

Kung kami’y sama-sama pag-ibig nakikita,

Anak mo ay tinutularan.

Kaharia’y unahin, pahalagahan namin;

Nang pagsang-ayon niya’y makamtan.