Tinuturuan ni Jehova
Awit 91
Tinuturuan ni Jehova
1. Katotohanan at tanglaw
Buhat kay Jah, ang Guro.
Ang tupa niya’y kinukupkop,
Siya’y kanilang Pinuno.
Lahat nga’y dapat umalam
Na siya’y Kata’staasan.
Ang turo niya’y maibigin,
Upang ang puso’y abutin.
Kristong Kamanggagawa niya’y
Gurong walang katulad.
Ang turo ng kanyang Ama
Ang laging ’nilalahad.
Katulad siya ng inahin,
Sa sisiw ay may pagtingin.
Ngayon siya’y nagtuturo din,
Nang tulad tupa’y kupkupin.
2. Pastol din ay inilaan,
Tagapagturong tunay.
Dila nila’y naging sanay,
Puso nila’y dalisay.
Mga pagod pinasigla.
Mahina’y pinayuhan.
Sa pagtuturo ng tumpak;
Si Jehova’y nagagalak.
Ang guro natin ay si Jah;
Anak niya’y nangunguna.
Tunay itong pribilehiyo,
Sa puso’y may pithaya.
Kung ibig nating mahalin
Ang mga taong taimtim,
Ang turo nati’y dibdibin,
Upang ang Diyos ay sambahin.
3. “Halina’t makinig sa Diyos,”
Siya nating paanyaya.
Ang turo ay inilunsad,
Pagliligtas ang bunga.
Sa sulat at bibigan man,
Balita ng Kaharian
Ay inihayag sa tanan
sa bawa’t wika at angkan.
Bilang kamanggagawa niya,
Pagsulong ang kailangan.
Katotohana’y sabayan,
Unahin ang Kaharian.
At sa Milenyong darating,
Mga patay magigising;
Kailangang maturuan din,
Nang kasakdalan ay kamtin.