“Tiyakin ang mga Bagay na Lalong Mahalaga”
Awit 210
“Tiyakin ang mga Bagay na Lalong Mahalaga”
1. Sa Diyos tayo’y naglilingkod;
Mahal nating lubos.
Pag-ibig ay lubhang mahalaga;
Galing sa Diyos.
Sumagana at lumawak at nang matiyak
Ang mga bagay na matwid at tumpak.
Laging walang kapintasan,
At masisipag.
2. Ang utang na loob sa Diyos
Ay ating kilanlin,
Sundin siya nang buong puso’t,
Gawai’y dibdibin.
At mamuhay nang payapa, at ibalita
Dakilang pag-asa ng Kaharian
—At tumutulong upang
Walang katisuran.
3. Mahalagang ang turo ng Diyos
Ay pagandahin,
Ng gawing may kahinhinan,
Saway niya ay dinggin.
At mapuspos ng katwiran at kagalakan,
At kapurihan sa Diyos ay ibigay.
Upang matiyak ang lalong
Mahalagang bagay.