Tumakas Tungo sa Kaharian ng Diyos!
Awit 146
Tumakas Tungo sa Kaharian ng Diyos!
1. O maaamo, si Jah ay hanapin;
Hanapi’y katwira’t kaamuan.
Kaypala sa araw ng kanyang galit
Kayo ay kanyang ingatan.
(Koro)
2. Halikayong uhaw sa katarungan;
Bakit patuloy na malulumbay?
Mang-aapi ay iyong maiiwasan,
At kay Kristo ka paakay.
(Koro)
3. Itaas ang ulong may kagalakan.
Naririto na ang Kaharian!
Tanggapi’y sa Diyos na kaliwanagan,
Siya lamang ang katakutan!
(KORO)
Tumakas sa Kaharian ng Diyos;
Iyan ang ating panigan (panigan.)
Naroo’y kanlungan at pagpapala;
Utos niya ay gampanan (gampanan.)