Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tumulad kay Jeremias

Tumulad kay Jeremias

Awit 70

Tumulad kay Jeremias

(Jeremias 1:7, 18)

1. Habang naglilingkuran,

Kay ligaya nga natin.

Sa ganitong gawain,

Ang Diyos ay may pagtingin.

Nguni’t Bibliya’y may bilin

—At ang Salita’y tapat—

Maglingkod sa Diyos may galak,

Nguni’t mayro’n ding hirap.

2. Inyo bang naalala,

Si Jeremias no’ng una,

Bata pa nang tawagin,

Takot inalis ni Jah?

‘Lahat ng kasamaan

Gamitin ng kaaway,

Hindi sila magwawagi,

Moog ka na matibay.’

3. Nalaman ni Jeremias

Na si Jehova’y tapat.

Tagumpay naglingkuran,

Bagaman at may hirap.

Tumulad kay Jeremias,

Sa Diyos tiwala’y ganap.

Kay Jehovang pagpupuno’y

Sabihing walang gulat.