Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Umalinsabay sa Awit ng Kaharian!

Umalinsabay sa Awit ng Kaharian!

Awit 181

Umalinsabay sa Awit ng Kaharian!

(Awit 98:1)

1. Mayro’ng awit ng masayang tagumpay;

Nagtatanghal sa Kata’staasan.

Sa matapat ang dulot ay pag-asa.

Makiawit; paksa’y Kaharian:

‘Si Jehova’y naghahari;

Lupa’t langit, mangagbunyi.’

Bago itong awit tungkol kay Kristo,

Na nagpupuno sa Kaharian.

2. Bagong awit, Kaharia’y ilathala.

Si Kristo ay sasakop sa lupa;

May lupain at bayang bagong silang,

Na si Kristo ang namamahala.

‘Magsiyukod sa luklukan.

Paghahari’y ipaalam!

Halina’t umawit sa Kaharian;

Diyos sambahin, siya ay nagpapala.’

3. Ang awit di mahirap pag-aralan.

Ubod linaw, balita’y kay ganda.

Natuto na ang lubhang karamihan,

At sila rin ay nag-aanyaya:

‘Diyos sambahin. Siya’y purihin;

Kamataya’y aalisin.’

Mangag-awitan tayo kay Jehova;

Awit ng Kaharia’y ligaya niya.