Walang Hanggang Buhay—Sa Wakas!
Awit 15
Walang Hanggang Buhay—Sa Wakas!
1. Inyo bang nakikita,
Tao ay sama-sama?
Lungkot wala. Payapa!
Walang kirot, luha.
(Koro)
2. Payapa, tao’t hayop,
Wala nang nananakot.
Ani’y sapat sa lahat,
Laan ng ating Diyos.
(Koro)
3. Babata ang matanda,
Ang lama’y sasariwa.
Bagabag man, naparam.
Pagtangis, pangamba.
(Koro)
4. Paraiso’y tamasa,
Awita’y buong puso.
Lagi nating sabihin
Sa Diyos, “Salamat po!”
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
Nang may kagalakan.
Bumulalas, ‘Sa wakas,
Walang hanggang buhay!’