KABANATA 18
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
-
Paano isinasagawa ang bautismong Kristiyano?
-
Anong mga hakbang ang kailangan mong gawin upang maging kuwalipikado sa bautismo?
-
Paano ginagawa ng isang tao ang pag-aalay sa Diyos?
-
Ano ang pantanging dahilan sa pagpapabautismo?
1. Bakit hiniling ng isang Etiopeng opisyal ng korte na siya ay mabautismuhan?
“NARITO! Isang dakong may tubig; ano ang nakapipigil sa akin upang mabautismuhan?” Iyan ang tanong ng isang Etiopeng opisyal ng korte noong unang siglo. Pinatunayan sa kaniya ng isang Kristiyanong nagngangalang Felipe na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas. Palibhasa’y lubhang naantig sa kaniyang Gawa 8:26-36.
natutuhan sa Kasulatan, kumilos ang Etiope. Ipinahayag niya na nais niyang mabautismuhan!—2. Bakit mo dapat seryosong pag-isipan ang bautismo?
2 Kung maingat mong pinag-aralan ang naunang mga kabanata ng aklat na ito kasama ng isa sa mga Saksi ni Jehova, baka nadarama mong handa ka na ring tanungin ang iyong sarili, ‘Ano ang nakapipigil sa akin upang magpabautismo?’ Sa puntong ito ay natutuhan mo na ang tungkol sa pangako ng Bibliya na buhay na walang hanggan sa Paraiso. (Lucas 23:43; Apocalipsis 21:3, 4) Natutuhan mo na rin ang tungkol sa tunay na kalagayan ng mga patay at ang pag-asang pagkabuhay-muli. (Eclesiastes 9:5; Juan 5:28, 29) Marahil ay nakikisama ka na sa mga Saksi ni Jehova sa mga pagpupulong ng kanilang kongregasyon at nakita mo na mismo kung paano nila isinasagawa ang tunay na relihiyon. (Juan 13:35) Mahalaga sa lahat, malamang na nagkakaroon ka na ng personal na kaugnayan sa Diyos na Jehova.
3. (a) Ano ang iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? (b) Paano isinasagawa ang bautismo sa tubig?
3 Paano mo maipakikita na nais mong paglingkuran ang Diyos? Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila.” (Mateo 28:19) Si Jesus mismo ang nagpakita ng halimbawa sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa tubig. Hindi siya winisikan ng tubig, at hindi basta binuhusan ng tubig ang kaniyang ulo. (Mateo 3:16) Ang salitang “bautismuhan” ay nagmula sa salitang Griego na nangangahulugang “ilubog.” Kung gayon, ang bautismong Kristiyano ay nangangahulugan ng lubusang paglulubog sa tubig.
4. Ano ang ipinakikita ng bautismo sa tubig?
4 Ang bautismo sa tubig ay isang kahilingan para sa lahat ng nagnanais na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos na Jehova. Ang bautismo ay pangmadlang pagpapahayag ng iyong pagnanais na paglingkuran ang Diyos. Ipinakikita nito na nalulugod kang gawin ang kalooban ni Jehova. (Awit 40:7, 8) Gayunman, para maging kuwalipikado sa bautismo, kailangan mong gawin ang ilang hakbang.
KAILANGAN ANG KAALAMAN AT PANANAMPALATAYA
5. (a) Ano ang unang hakbang upang maging kuwalipikado sa bautismo? (b) Bakit mahalaga ang Kristiyanong mga pagpupulong?
5 Sinimulan mo nang gawin ang unang hakbang. Paano? Sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo, marahil sa pamamagitan ng sistematikong pag-aaral ng Bibliya. (Juan 17:3) Ngunit marami pang dapat matutuhan. Nais ng mga Kristiyano na ‘mapuspos ng tumpak na kaalaman sa kalooban ng Diyos.’ (Colosas 1:9) Malaking tulong sa bagay na ito ang pagdalo sa mga pagpupulong ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Mahalagang dumalo sa mga pagpupulong na ito. (Hebreo 10:24, 25) Ang regular na pagdalo sa mga pagpupulong ay tutulong sa iyo na sumulong sa kaalaman tungkol sa Diyos.
6. Gaano karaming kaalaman sa Bibliya ang dapat mong matamo upang maging kuwalipikado sa bautismo?
6 Siyempre pa, hindi mo naman kailangang malaman ang lahat ng bagay sa Bibliya upang maging kuwalipikado ka sa bautismo. Ang Etiopeng opisyal ng korte ay may kaalaman, ngunit kailangan niya ng tulong upang maunawaan ang ilang bahagi ng Kasulatan. (Gawa 8:30, 31) Sa katulad na paraan, marami ka pang dapat matutuhan. Sa katunayan, walang katapusan ang iyong pag-aaral tungkol sa Diyos. (Eclesiastes 3:11) Ngunit bago ka mabautismuhan, kailangan mong malaman at tanggapin kahit man lamang ang pangunahing mga turo ng Bibliya. (Hebreo 5:12) Kasama sa gayong mga turo ang katotohanan tungkol sa kalagayan ng mga patay at ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at ng kaniyang Kaharian.
7. Ano ang dapat maging epekto sa iyo ng pag-aaral ng Bibliya?
7 Subalit hindi sapat ang kaalaman lamang, sapagkat ‘kung walang pananampalataya ay imposibleng palugdan nang lubos ang Diyos.’ (Hebreo 11:6) Sinasabi sa atin ng Bibliya na nang marinig ng ilang tao sa sinaunang lunsod ng Corinto ang mensaheng Kristiyano, ‘nagsimula silang maniwala at mabautismuhan.’ (Gawa 18:8) Sa katulad na paraan, ang pag-aaral ng Bibliya ay dapat tumulong sa iyo na malipos ng pananampalataya na ito nga ang kinasihang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya ay dapat tumulong sa iyo na magkaroon ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos at sa kapangyarihang magligtas ng hain ni Jesus.—Josue 23:14; Gawa 4:12; 2 Timoteo 3:16, 17.
PAGBABAHAGI SA IBA NG KATOTOHANAN SA BIBLIYA
8. Ano ang magpapakilos sa iyo na ibahagi sa iba ang iyong natututuhan?
8 Habang sumisidhi ang pananampalataya sa iyong puso, masusumpungan mong mahirap sarilinin ang iyong natututuhan. (Jeremias 20:9) Lubha kang mauudyukang sabihin sa iba ang tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin.—2 Corinto 4:13.
9, 10. (a) Kanino mo maaaring simulang ibahagi ang katotohanan sa Bibliya? (b) Ano ang dapat mong gawin kung nais mo nang makibahagi sa organisadong pangangaral ng mga Saksi ni Jehova?
9 Sa mataktikang paraan, maaari mong simulang ibahagi sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, at mga katrabaho ang mga katotohanan sa Bibliya. Di-magtatagal, nanaisin mo nang makibahagi sa organisadong pangangaral ng mga Saksi ni Jehova. Sa puntong iyan, malayang ipakipag-usap ang bagay na ito sa Saksi na nagtuturo sa iyo ng Bibliya. Kung lumilitaw na kuwalipikado ka na para sa pangmadlang ministeryo, gagawa ng mga kaayusan upang ikaw at ang iyong guro ay kausapin ng dalawang matatanda sa kongregasyon.
10 Makatutulong ito upang lalo mong makilala ang ilan sa Kristiyanong matatanda na nagpapastol sa kawan ng Diyos. (Gawa 20:28; 1 Pedro 5:2, 3) Kapag nakita ng matatandang ito na nauunawaan mo at pinaniniwalaan ang pangunahing mga turo sa Bibliya, namumuhay ka alinsunod sa mga simulain ng Diyos, at na talagang nais mong maging isang Saksi ni Jehova, ipaaalam nila sa iyo na kuwalipikado ka nang makibahagi sa pangmadlang ministeryo bilang di-bautisadong mamamahayag ng mabuting balita.
11. Anong mga pagbabago ang kailangang gawin ng ilan bago sila maging kuwalipikado sa pangmadlang ministeryo?
11 Sa kabilang panig, baka kailangan mong gumawa ng ilang pagbabago sa iyong istilo ng pamumuhay at mga kinaugalian 1 Corinto 6:9, 10; Galacia 5:19-21.
upang maging kuwalipikado sa pangmadlang ministeryo. Maaaring kasama rito ang paghinto mo sa paggawa ng ilang bagay na lingid sa kaalaman ng iba. Kaya, bago ka magtanong hinggil sa pagiging di-bautisadong mamamahayag, kailangang hindi ka na gumagawa ng malulubhang kasalanan, gaya ng seksuwal na imoralidad, paglalasing, at pag-abuso sa droga.—PAGSISISI AT PAGKAKUMBERTE
12. Bakit kailangan ang pagsisisi?
12 May iba pang hakbang na dapat gawin bago ka maging kuwalipikado sa bautismo. Ganito ang sabi ni apostol Pedro: “Magsisi kayo, at manumbalik upang mapawi ang inyong mga kasalanan.” (Gawa 3:19) Ang pagsisisi ay pagkadama ng taimtim na kalungkutan sa isang bagay na nagawa mo. Maliwanag na angkop ang pagsisisi kung ang isang tao ay may imoral na pamumuhay, ngunit kailangan din ito kahit na ang isa ay maituturing na namuhay nang malinis sa moral. Bakit? Dahil ang lahat ng tao ay makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran ng Diyos. (Roma 3:23; 5:12) Bago ka nag-aral ng Bibliya, hindi mo pa alam ang kalooban ng Diyos. Kaya paano mo masasabing lubusan kang nakapamuhay alinsunod sa kaniyang kalooban? Kung gayon, kailangan ang pagsisisi.
13. Ano ang pagkakumberte?
13 Ang pagsisisi ay dapat sundan ng pagkakumberte, o ‘panunumbalik.’ Higit pa ang dapat mong gawin bukod sa pagkadama ng kalungkutan. Kailangan mong talikuran ang iyong dating paraan ng pamumuhay at maging lubusang determinado na magmula ngayon, gagawin mo na ang tama. Ang pagsisisi at pagkakumberte ay mga hakbang na dapat mong gawin bago mabautismuhan.
PAG-AALAY NG IYONG SARILI
14. Anong mahalagang hakbang ang dapat mong gawin bago mabautismuhan?
14 May isa pang mahalagang hakbang na dapat gawin bago mabautismuhan. Kailangan mong ialay ang iyong sarili sa Diyos na Jehova.
15, 16. Ano ang kahulugan ng pag-aalay ng iyong sarili sa Diyos, at ano ang nagpapakilos sa isang tao na gawin ito?
Deuteronomio 6:15) Subalit bakit naman gugustuhin ng sinuman na gawin iyan? Buweno, ipagpalagay na nagsimulang manligaw ang isang lalaki sa isang babae. Habang lalong nakikilala ng lalaki ang babae at nakikita ang magagandang katangian nito, lalong naaakit ang lalaki sa kaniya. Sa kalaunan, natural lamang na hilingin ng lalaki sa babae na magpakasal ito sa kaniya. Totoo, ang pag-aasawa ay mangangahulugan ng pagsasabalikat ng karagdagang mga pananagutan. Ngunit pakikilusin siya ng pag-ibig para gawin ang mahalagang hakbang na iyan.
15 Kapag iniaalay mo ang iyong sarili sa Diyos na Jehova sa marubdob na panalangin, nangangako kang ibibigay mo sa kaniya ang iyong bukod-tanging debosyon magpakailanman. (16 Nang makilala mo si Jehova at ibigin siya, napakilos ka na paglingkuran siya nang walang pag-aatubili o nang walang itinatakdang kundisyon sa pagsamba sa kaniya. Ang sinumang nagnanais na sumunod sa Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, ay kailangan ‘magtatwa ng kaniyang sarili.’ (Marcos 8:34) Itinatatwa natin ang ating sarili kung tinitiyak natin na ang ating personal na mga naisin at mga tunguhin ay hindi nakahahadlang sa ating lubusang pagsunod sa Diyos. Kung gayon, bago ka mabautismuhan, ang paggawa ng kalooban ng Diyos na Jehova ang siyang dapat maging pangunahing layunin mo sa buhay.—1 Pedro 4:2.
DAIGIN ANG TAKOT NA MABIGO
17. Bakit maaaring nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili sa Diyos?
17 Nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili kay Jehova dahil waring nangangamba sila sa gayon kaseryosong hakbang. Baka ikinatatakot nila na mananagot sila sa Diyos bilang nakaalay na Kristiyano. Palibhasa’y natatakot na baka mabigo nila si Jehova, iniisip nila na mas mabuti pang huwag nang mag-alay sa kaniya.
18. Ano ang makapagpapakilos sa iyo na ialay ang iyong sarili kay Jehova?
18 Habang natututuhan mong ibigin si Jehova, mapakikilos ka na ialay ang iyong sarili sa kaniya at gawin ang iyong Eclesiastes 5:4) Pagkatapos mag-alay, tiyak na nanaisin mong “lumakad nang karapat-dapat kay Jehova upang palugdan siya nang lubos.” (Colosas 1:10) Dahil sa iyong pag-ibig sa Diyos, hindi mo iisiping napakahirap gawin ang kaniyang kalooban. Walang alinlangan na sasang-ayon ka kay apostol Juan, na sumulat: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.”—1 Juan 5:3.
buong makakaya para tuparin ito. (19. Bakit hindi ka dapat matakot na ialay ang iyong sarili sa Diyos?
19 Hindi mo kailangang maging sakdal upang maialay ang iyong sarili sa Diyos. Alam ni Jehova ang iyong mga limitasyon at hindi siya kailanman umaasa nang higit sa makakaya mo. (Awit ) Nais niyang magtagumpay ka at susuportahan at tutulungan ka niya. ( 103:14Isaias 41:10) Makatitiyak ka na kung magtitiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso, siya ang “magtutuwid ng iyong mga landas.”—Kawikaan 3:5, 6.
SAGISAGAN ANG IYONG PAG-AALAY SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPABAUTISMO
20. Bakit hindi maaaring manatiling pribado ang pag-aalay kay Jehova?
20 Ang pagsasaalang-alang sa mga bagay na katatalakay lamang natin ay makatutulong sa iyo na mag-alay nang personal kay Roma 10:10) Paano mo gagawin iyan?
Jehova sa panalangin. Ang lahat ng talagang umiibig sa Diyos ay dapat ding ‘gumawa ng pangmadlang pagpapahayag ukol sa kaligtasan.’ (21, 22. Paano mo magagawa ang “pangmadlang pagpapahayag” ng iyong pananampalataya?
21 Ipaalam sa koordineytor ng lupon ng matatanda ng inyong kongregasyon na gusto mo nang magpabautismo. Isasaayos niya na repasuhin sa iyo ng ilang matatanda ang mga tanong na sumasaklaw sa pangunahing mga turo sa Bibliya. Kapag sumang-ayon ang matatandang ito na kuwalipikado ka, sasabihin nila sa iyo na maaari kang mabautismuhan sa darating na asamblea o kombensiyon. * Isang pahayag na nagpapaalaala sa kahulugan ng bautismo ang karaniwang ibinibigay sa gayong mga okasyon. Pagkatapos, aanyayahan ng tagapagsalita ang lahat ng kandidato sa bautismo na sagutin ang dalawang simpleng tanong bilang isang paraan ng berbal na “pangmadlang pagpapahayag” ng kanilang pananampalataya.
22 Ang bautismo mismo ang nagpapakilala sa iyo sa madla na ikaw ay nag-alay na sa Diyos at isa na ngayong Saksi ni Jehova. Ang mga kandidato sa bautismo ay lubusang inilulubog sa tubig upang ipakita sa madla na nag-alay na sila kay Jehova.
ANG KAHULUGAN NG IYONG BAUTISMO
23. Ano ang kahulugan ng pagbabautismo “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu”?
23 Sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay babautismuhan “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu.” (Mateo 28:19) Nangangahulugan ito na kinikilala ng kandidato sa bautismo ang awtoridad ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo. (Awit 83:18; Mateo 28:18) Kinikilala rin niya ang papel at gawain ng banal na espiritu, o aktibong puwersa, ng Diyos.—Galacia 5:22, 23; 2 Pedro 1:21.
24, 25. (a) Ano ang isinasagisag ng bautismo? (b) Anong tanong ang dapat masagot?
24 Gayunman, ang bautismo ay hindi lamang basta paglulubog Awit 25:14.
sa tubig. Ito ay sumasagisag sa isang napakahalagang bagay. Ang paglubog sa tubig ay sumasagisag na namatay ka na sa dati mong landasin sa buhay. Ang pag-ahon naman sa tubig ay nagpapahiwatig na buháy ka na ngayon upang gawin ang kalooban ng Diyos. Tandaan din na sa Diyos na Jehova ka mismo nag-alay, hindi sa isang gawain, layunin, sa ibang tao, o sa isang organisasyon. Ang iyong pag-aalay at bautismo ay pasimula ng isang napakalapít na pakikipagkaibigan sa Diyos—isang matalik na kaugnayan sa kaniya.—25 Ang bautismo ay hindi gumagarantiya ng kaligtasan. Ganito ang isinulat ni apostol Pablo: “Patuloy kayong gumawa ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may takot at panginginig.” (Filipos 2:12) Ang bautismo ay pasimula lamang. Ang tanong ay, Paano ka makapananatili sa pag-ibig ng Diyos? Sasagutin ito ng huling kabanata.
^ par. 21 Ang bautismo ay regular na bahagi ng taunang mga asamblea at mga kombensiyon na idinaraos ng mga Saksi ni Jehova.