KAHON 7B
Mahahalagang Pananalita sa Aklat ng Ezekiel
“Anak ng Tao”
LUMITAW NANG MAHIGIT 90 BESES
Tinukoy si Ezekiel bilang “anak ng tao” nang mahigit 90 beses. (Ezek. 2:1) Dito, ipinapaalaala ni Jehova sa kaniya na kahit tumanggap siya ng malalaking pribilehiyo, isa lang siyang tao. Kapansin-pansin na sa mga Ebanghelyo, tinukoy si Jesus bilang “Anak ng tao” nang mga 80 beses. Ipinapakita nito na talagang naging tao siya at hindi lang isang anghel na nagkatawang-tao.—Mat. 8:20.
“Malalaman . . . na Ako si Jehova”
LUMITAW NANG DI-BABABA SA 50 BESES
Iniulat ni Ezekiel nang di-bababa sa 50 beses ang pananalita ng Diyos na “malalaman [ng mga tao] na ako si Jehova.” Idiniriin nito na si Jehova lang ang karapat-dapat tumanggap ng dalisay na pagsamba.—Ezek. 6:7.
“Kataas-taasang Panginoong Jehova”
LUMITAW NANG 217 BESES
Ang 217 paglitaw ng pananalitang “Kataas-taasang Panginoong Jehova” ay nagpapakita na ang pangalan ng Diyos ay karapat-dapat kilalanin at na dapat magpasakop kay Jehova ang lahat ng nilalang.—Ezek. 2:4.